Nilinaw ng OVP spokesman na si Atty. Reynold Munsayac na hindi sinabi ni Vice President Sara Duterte sinusuportahan niya ang same-sex marriage sa Pilipinas, gaya ng inulat sa isang news article.

"Vice President Sara Duterte did not say she supports same-sex marriage in the Philippines, as reported in a news article," ani Munsayac nitong Huwebes, Pebrero 16.

Ibinahagi ni OVP spokesperson ang exact transcription ng naging pahayag ni Duterte sa naganap na mass wedding sa Parañaque City noong Pebrero 14.

“Marami pong gender ngayon na kinikilala ang ating society. Naisip ko, sana sa mga susunod na taon, ‘yung ibang gender, katulad ng mga LGBTQI, ay mabigyan din sila ng proteksyon ng batas sa kani-kanilang lang mga partners at sa kanilang mga relationship.”

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?