Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang probinsya ng Masbate nitong Huwebes ng madaling araw, Pebrero 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 2:10 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter ng lindol 11 kilometro ang layo sa timog-kanluranng Batuan, Masbate, na may lalim na 010 kilometro.
Itinaas sa Intensity VII ang City of Masbate, Masbate, habang Intensity V naman sa Dimasalang, San Fernando, at Uson, Masbate.
Naramdaman naman ang Intensity IV sa City of Legazpi, Albay; Aroroy, Cataingan, Esperanza, Milagros, at Pio V. Corpuz, Masbate; Irosin, at City of Sorsogon, Sorsogon.
Naiulat din ang Intensity III sa Daraga, Albay.
Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity VI - City of Masbate, Masbate
Intensity IV - Bulusan, and City of Sorsogon, Sorsogon; City of Bogo, Cebu
Intensity III - City of Legazpi, at City of Tabaco, Albay; City of Iriga, Camarines Sur; City of Bago, Negros Occidental; Alangalang, Calubian, Isabel, Kananga, at Palo, Leyte; Ormoc City; Rosario, Northern Samar
Intensity II - Gumaca, Quezon; Daet, Camarines Norte; Ragay, Camarines Sur; Prieto Diaz, Sorsogon; Malinao, Aklan; Jamindan, at Tapaz, Capiz; Argao, Cebu; Can-Avid, Eastern Samar; Abuyog, at Dulag, Leyte; San Roque, Northern Samar
Intensity I - Lopez, Mulanay, and Polillo, Quezon; Boac, Marinduque; Pandan, Antique; City of La Carlota, Negros Occidental; Saint Bernard, Southern Leyte
Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente dahil sa mga posibleng aftershocks.
Maaari rin umanong magkaroon ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Kahapon lamang dakong 5:15 ng hapon ay nakaranas din ang probinsya ng Masbate ng magnitude 5 na lindol. Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Dimasalang, Masbate, at may lalim na 009 kilometro.