Naipanalo pa rin ng Rain or Shine ang laro laban sa Terrafirma Dyip, 120-118, kahit wala ang kanilang import na si Greg Smith na pinagbawalang maglaro dahil sa kawalan ng clearance nito sa FIBA.

Nagmistulang import si Andrei Caracut matapos kumana ng career-high na 25, habang naka-21 points ang kakamping si Santi Santillan.

Gumana rin ang beteranong si Gabe Norwood sa kanyang 18 markers, sinundan ng 14 ni Rey Nambatac, bukod pa ang pitong assists.

Huling pumuntos ang Elasto Painters sa tira sa ilalim ni Santillan, 120-118, 0.7 sa orasan.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Malaki pa sana ang pagkakataon ng Dyip na maiuwi ang panalo. 

Gayunman, sumablay ang tres ni Terrafirma import Williams, na nakakuha pa rin ng 30 points.

Taglay na ng Rain or Shine ang 2-4 record na katulad din ng Terrafirma na nakatikim ng ikalawang sunod na pagkatalo.