Kaabang-abang ang pagbabalik ng singing competition ng ABS-CBN na “The Voice Kids” para ikalimang season nito.

Sa inilabas na trailer mula sa opisyal na Facebook page ng nasabing programa, makikita ang malaking pagbabago dito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Magsisilbing hosts sina Bianca Gonzales at Robi Domingo kapalit ng dating host na si Toni Gonzaga. Bukod sa mga bagong hosts, tampok din sa season na ito ang mga bagong coaches na sina Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan at ang Concert King na si Martin Nievera. Makakasama nila ang rock icon na si Bamboo, na tanging orihinal na coach ng “The Voice” franchise sa Pilipinas.

Nagsimula ang audition para sa “The Voice Kids” Nobyembre noong nakaraang taon, na binuksan para sa mga aspiring singers edad anim hanggang labindalawa. Taong 2020 naman nang huling umere ang “The Voice,” na binuksan naman para sa mga teens.

Magsisimula ang “The Voice Kids” sa darating na Pebrero 25 at 26 at mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.