''Another El Tocuyo ng Pilipinas?''

Ikinagalit ng Pinoy pageant fans ang gown na suot ng pambato ng Pilipinas na si Annabelle Mcdonnell para sa preliminary evening gown competition ng Miss Charm 2023 na ginanap sa Vietnam.

Hirit ng fans, "mukhang pang-debut," "mala-JS prom ang peg," at "very MJ ang atake."

Iba pang komento ng Pinoy pageant fans:

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Mukhang ninang tuloy."

"Nandito na naman tayo sa 'know when to peak'."

"Pang 18th birthday yata yung gown."

"Mukhang pupunta lang sa kasal."

"Gawang Taytay?"

"Another El Tocuyo ng Pilipinas."

"Hindi nakakagalaw."

"₱250 lang sa Divisoria Market iyan."

Sa kumakalat na video, napansin ng Pinoy pageant fans na hindi "fit" sa katawan ni Annabelle ang gown at "lawlaw" pa nga ang strap nito. Dagdag pa nila, malayo ang agwat nito sa inirampang gown ng ibang beauty queens.

Tanong ng fans, bakit hindi umano kumuha ng ilang talented Pinoy designers para magawan siya ng bonggang evening gown na irarampa niya sa prestihiyosong kompetisyon.

Samantala, wala pang kumpirmasyon kung ang suot ni Annabelle Mcdonnell ay gawang Pinoy o sponsor mula sa organisasyon ng nasabing kompetisyon.

Ang Miss Charm 2023 coronation ay gaganapin bukas, Pebrero 16, sa Ho Chi Minh City, Vietnam. Ang kandidatang makakasungkit ng korona ay makatanggap ng $100,000 na premyo.