Susubukan ng lalawigan ng Kalinga na makapasok sa Guinness Book of World Record para sa ‘largest banga dance’ at ‘gong ensemble.’

Photo courtesy: Tabuk City Public Information Office/Facebook

Ang naturang festival ay isinagawa dakong alas-2:00 ng hapon nitong Miyerkules, Pebrero 15, 2023.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bahagi ito ng 28th founding anniversary ng lalawigan at ng 4th Bodong Festival celebration na ipinagdiriwang mula Enero 14 hanggang Pebrero, 2023.

Nabatid na nasa kabuuang 4,600 male gong players at 6,800 pot dancers ang nag-perform sa naturang selebrasyon, na idinaos sa Kalinga Sports Complex.

Photo courtesy: Tabuk City Public Information Office/Facebook

Tinawag itong "Awong Chi Gangsa, Agtu'n Chi Banga’ o 'The Call of a Thousand Gongs, The Dance of a Thousand Pots."