Hindi pa man pormal na nagsisimula, kaliwa’t kanan na ang papuring natatanggap nila KD Estrada at Alexa Ilacad o “KDLex” sa kanilang pagganap sa musical play ng Philippine Educational Theater Association (PETA) na “Walang Aray.”

Sa naganap na preview nitong Araw ng mga Puso, natunghayan ang pagbibigay-buhay ni Alexa sa karakter ni 'Julia,' at ni KD para naman sa karakter ni 'Tenyong.'

Ayon sa mga nakapanood na ng nasabing play, mahusay ang pagkakaganap ng KDLex kahit unang beses nila ito sumabak sa teatro.

“After watching special Preview of Walang Aray feels like "ang sarap umibig" hayyy. Kudos to the production, cast and to KDLex grabe ang galing can't wait to see more theater performances of you guys. @alexailacad @kdestrada_

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

#KDLex #PETA #WalangAray,” saad ng isang netizen.

https://twitter.com/ahyengt/status/1625572411046494208?s=46&t=rTEz-8lL8uusnkEXXTmLyg

Isang netizen naman ang nagsabi na deserve ng KDLex ang standing ovation na natanggap nito mula sa audience ng nasabing preview show.

“One of the great things happened tonight... Being witness the success of the preview of WALANG ARAY  .. Salute to all the cast and of course KD AND ALEXA for the amazing performance.. Well deserved the standing ovation,” aniya.

https://twitter.com/glensky04/status/1625541472706756608?s=46&t=rTEz-8lL8uusnkEXXTmLyg

Samantala, sa Instagram story ng Alexa, nagpasalamat naman ito sa kanyang katambal at sinabing si KD ang “best partner i could ever ask for” para sa kanya.

SCREENSHOT FROM ALEXA ILACAD/INSTAGRAM

Mapapanood ang “Walang Aray” sa PETA Theater Center mula Pebrero 17 hanggang Mayo 14. Labindalawang shows lamang ang nakalaan para sa KDLex, kung saan kapalitan nila ang mga theater actors na sina Marynor Madamesila at Gio Gahol.

Ang “Walang Aray” ay mula sa panulat ni Rody Vera at direksyon ni Ian Segarra. Si Vince Lim ang nagbigay musika sa play at choreography naman mula Gio Gahol.

Photo from Philippine Educational Theater Association (PETA)/FB