Bago pa mag-debut sa South Korea, nagpasikat na ang pinaka-bagong global pop group na HORI7ON sa Kapamilya noontime show na “It’s Showtime,” Miyerkules, Pebrero 15.

Nagpakitang-gilas ang HORI7ON nang i-perform nila ang “DASH” na isinulat ng kanilang Korean mentor na si BULL$EYE mula sa MLD Entertainment.

Agad namang nag-trending ang hashtag na #ShowtimeSeatedforHORI7ON sa Twitter matapos ang kanilang guesting sa nasabing show.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Screengrab mula sa Twitter

Ang HORI7ON ay binubuo nila Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Huat Ng, at Winston Chua. Sila ang mga nagsipagwagi sa katatapos lamang na finale ng idol survival show na “Dream Maker,” na kauna-unahang collaboration ng ABS-CBN, MLD Entertainment at Kamp Korea.

Bukod sa tagumpay ng HORI7ON, binati rin ng mga hosts ng noontime show si Kim Chiu at Ryan Bang na nagsilbing hosts sa “Dream Maker.”

HORI7ON (Screengrab mula sa Kapamilya Online Live

HORI7ON (Screengrab mula sa Kapamilya Online Live

Naging usap-usapan ang pa nga ang hosting at makukulay na outfits ni Kim Chiu na umabot pa mismo sa Korean media.

Nakatakdang lumipad patungong South Korea ang HORI7ON sa darating na Marso at tuluyan silang ilulunsad bilang isang global pop group mula sa Pilipinas sa darating na Hunyo.