Walang pinipiling panahon ang mga mapagsamantala na maging ang kalagayan ni Gab Chee Kee, ang nakaratay na gitarista ng Parokya ni Edgar, ay nagagamit pa sa tangkang panloloko online.

Ito ang babala ng bokalista na si Chito Miranda sa kaniyang Facebook post, Miyerkules, Peb. 15, matapos madiskubre ang pekeng account gamit ang kaniyang pangalan.

Gaya ang profile picture maging ang cover photo ng kaniyang pamilya sa naturang account.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa bio pa nito mababasa ang kahina-hinalang mga salitang “another acct for gab needs.”

Paalala ng bokalista: “Ingat lang po! Nagkalat ang mga scammers.😡

Ang tanging verified account ni Chito na may blue check mark at ang social media page ng Parokya ni Edgar ang aktibong nag-oorganisa ng ilang donation channels, at bid para sa kabandang lumalaban sa sakit na lymphoma.

Matatandaang kahapon, Martes, Peb. 14, naisubasta naman sa sa halagang P1.3 million ang isang gitarang pirmado ng apat na miyembro ng Erasherheads. Gagamitin ang halaga sa patuloy na gastusin sa pagpapagamot ng ni Gab.

Basahin: Gitarang pirmado ng E-Heads, naisubasta sa halagang P1.3M; Gab Chee kee, patuloy na lumalaban sa sakit – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, sa hiwalay ding update ng Parokya ni Egdar nito ring Martes, ipinaabot nila sa fans ang patuloy na paggaling ng kabanda laban sa sakit.

Gayunpaman, nananatili pa rin ito sa ICU, dagdag nito.

“Please keep sending positive vibes to him and praying for his full recovery. He says THANK YOU to all of you—friends, family, fans and even strangers who’ve extended help in whatever way or form,” anila.