Nagpaliwanag na ang host na si Dianne Medina matapos matalakan ng isang netizen na ipinagpalagay na hindi umano siya nakinig sa writer o nag-aral ng script bago sumalang sa paghahatid ng balita dahilan para mali niyang mabigkas ang ‘sub-unit.’

“Makikinig kasi dapat ‘pag binibrief ng writer o inaaral din ‘yung script bago sumalang,” diretsang komento ng isang netizen sa isang news outlet kaugnay ng trending na balita.

“Wala ‘yung writer nung day na ‘yun. Wala akong alam masyado sa K-pop. ‘Di ako mahilig so I assumed Japanese word siya,” paliwanag ng actress-host nitong Martes, Peb. 14.

Basahin: Dianne Medina, inokray dahil sa maling bigkas ng salitang ‘sub-unit’ habang nagbabalita – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kagaya ng unang naiulat, kumpirmado ring walang gitling ang pagkakabaybay sa salitang “sub-unit” dahilan nga para mabasa niya itong “sooboonit.”

Takeaway ng host, “at least lesson learned not to rely sa prompter and to research more about K-pop since I’m handling showbiz news.”

Pagbabahagi pa ni Dianne, wala rin sila aniyang briefing “kapag live news and even news item” na last-minute nilang natatanggap sa studio.

Samantala, nauna nang itinama ng host ang pagkakabigkas ng salita sa muling pag-run ng balita, umaga ng Lunes, Peb. 13.