Isa sa mga pinag-usapan sa naganap na finale ng idol survival show ng ABS-CBN na “Dream Maker” ang pagkakasungkit ni Winston Pineda ng huling puwesto para maging bahagi ng bagong global pop group na “HORI7ON.”

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Nagsimula ang kompetisyon na may mababang rank si Winston at unti-unting gumapang pataas sa bawat performances nito. Naging emosyonal ang 18-year-old na “dream chaser” nang matawag ang kaniyang pangalan upang makumpleto ang grupo. Nakalikom si Winston ng higit dalawang milyong public votes at nagpasalamat ito sa kaniyang mga tagasuporta na “Gemstones.”

Sa Twitter, top trending topic ang “Winston” at sinabi ng ilang tagasubaybay na isa siya sa mga dark horse ng kompetisyon.

Screengrab mula sa Twitter

https://twitter.com/pbbtito/status/1624404892734586887?s=46&t=W9wLz6ftefXfzDe2ncdsIQ

Samantala, sa isang eksklusibong panayam ng Balita, proud na proud naman ang ate ni Winston na si Josette Pineda sa tagumpay ng kaniyang kapatid.

“Sa totoo lang hanggang ngayon ‘di pa nag-process sa’min ‘yung pagka-panalo ng kapatid ko,” aniya.

“Sobrang saya lang ng puso namin sobrang deserve niya manalo sa effort and sacrifice niya,” dagdag pa niya.

Makakasama ni Winston sina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, at Kim Huat Ng sa South Korea upang ilunsad bilang isang global pop group mula sa Pilipinas.