Usap-usapan ngayon sa pageant community ang umano’y pagsabak na rin sa Miss Universe Philippines ni Cebuana titleholder at Miss International Queen 2022 Fuschia Anne Ravena.
Ito’y nag-ugat kasunod ng kaniyang social media post, nitong Martes, Pebrero 14, na anang fans ay hudyat na raw ng kanyang aplikasyon sa prestihiyusong pageant.
“It's never too late to make a difference in the Universe! ” mababasa sa caption ng Transpinay queen kalakip ang tatlong serye ng mga larawan.
Mapapansin pa ang “#ifnotnowhen” na hashtag ni Ravena na kilalang kataga ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel.
Agad na kumalat sa online pageant communities ang pahiwatig na ito ni Ravena dahilan para sa sari-saring reaksyon ng fans.
Matatandaang bukas na sa transwomen, mga may asawa, at may anak o maging sa kababaihang buntis ang Miss Universe stage.
Isang Pinoy pageant fan pa ang nagbalik-tanaw sa dati nang interes ng Transpinay na pasukin din ang kompetisyon.
Samantala, nariyan din ng agam-agam ng iba dahil umano sa aktibo pang kontrata ni Ravena sa Miss International Queen organization.
“To those who are asking, YES she can apply as MUPh candidate. Tatanggapin ba siya? HINDI po. Kasi nasa rules ng MUPh, as clarified by Shamcey, na pwede nang maging candidate if and only if a transwoman is ‘female’ in her birth certificate. Our law doesn't recognize transwoman as female yet, which is very saddening,” sey ng isang pageant fan sa post ni Ravena.
Gayunpaman, ilang fans na ang nagpaabot na ng good luck para sa titleholder.
“Ready to conquer thè universegood luck osji!” komento ng isang fan.
“Mga kababayan, may nangyayari na!”
“Diyos ko who knows baka sa isang katulad nya ang makapagpapabalik mg M.U crown dito sa Pilipinas!”
“Omg?? gonna submit her application sa Miss universe ph???!?!?!? Excitingggg!”
Wala pang kumpirmasyon ang mga usapan mula mismo kay Ravena sa pag-uulat.