Makahulugan ang sagot na patanong ng batikang aktres na si Cherry Pie Picache kung papayag siyang gumanap bilang "Imelda Marcos" sa isang pelikula, kung sakaling magkaroon ng offer sa kaniya.

Naganap ang panayam na ito sa media conference para sa pelikulang "Oras De Peligro" ni Direk Joel Lamangan nitong Pebrero 12, 2023 sa Max’s-Sct. Tuason, Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Napaisip daw muna si Cherry Pie sa kaniyang sagot. Aniya, papayag naman daw siya depende kung ano ang konteksto ng pelikula at sa script.

Nang matanong kung halimbawang si Direk Darryl Yap ang magiging direktor, no ang sagot ng beteranang aktres. Ito ang sinasabing makakatapat sa takilya ng "Martyr or Murderer," ang pangalawa at karugtong na pelikula ng "Maid in Malacañang" na tumatalakay sa naging buhay ng pamilya Marcos matapos mapatalsik sa Palasyo dahil sa EDSA People Power I noong dekada '70.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Ewan ko. May konsensiya pa ba siya?” sey umano ni Cherry Pie.

Si Yap ay kilalang tagasuporta ni UniTeam noong nagdaang halalan, hanggang ngayon. Siya rin ang nagdirehe ng mga "Lenlen series."

Si Cherry Pie naman ay kilalang Kakampink o tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo at dating senador Kiko Pangilinan.