Nababahala si Manila third district Congressman Joel Chua sa nakakaalarmang sitwasyon ngayon ng San Sebastian Church.

Sa monthly forum na ‘Balitaan sa MayniLove’ ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), na isinagawa sa Mehan Garden, nitong Lunes, sinabi ni Chua na unti-unti nang nabubulok at kinakain ng kalawang ang naturang simbahan na gawa sa bakal.

Binigyang-diin din ng kongresista na kailangang kilalanin na ang San Sebastian Church bilangUnited Nations Educational, Scientific and Cultural Organization(UNESCO) heritage site upang maibalik at maisaayos ang dating porma nito.

“Kinakalawang na ang mga bakal at ang dami na ding bukbok sa loob.‘Yung altar umaatras na,” sabi ni Chua.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Aniya, ang San Sebastian Basilica ay isang mahalagang bahagi ng Quiapo at ito ay nag-iisa lamang sa Pilipinas at sa Asya.

Nagbabala pa si Chua na kung hindi kaagad maisasaayos ang simbahan ay maaaring matulad ito sa ibang mga simbahan na giniba na lang ng lindol at iba pang mga kalamidad.

Sa pagtaya ni Chua, maaaring abutin ng bilyong piso ang halaga na kakailanganin upang maisaayos ang San Sebastian Basilica at maging ang national budget ay hindi aniya ito kakayanin.

Kaya naman aniya, malaki ang maitutulong kung idedeklara ito ng UNESCO bilang world heritage site.

Ayon kay Chua, ang UNESCO ay tumutulong sa lahat ng World Heritage sites na mapanatili ang natatanging universal value nito, bilang kakaibang landmark, na may kapuri-puring historical, physical at cultural significance.

Ang World Heritage Site ay isang landmark o lugar na may legal protection mula sainternational convention na administered ng UNESCO na nagtatakda din kung ito ay may cultural, historical, scientific at iba pang kahalagahan.Ang San Sebastian Church,na itinayo noong 1891,ay tanyag sa kanyang arkitektura at isang ehemplo ng Gothic Revival architecture sa Pilipinas.

Bilang nag-iisang gusaling simbahan sa Pilipinas na gawa sa bakal, ito ay ginawang National Historical Landmark noong 1973 at National Cultural Treasure noong 2011.

Ito ay matatagpuan sa Plaza del Carmen sa silangang dulo ng Recto Avenue, sa Quiapo, Maynila.