Bukod sa Araw ng mga Puso, ipinagdiriwang din ngayong Pebrero 14 ang ika-99 na taong kaarawan ni Former Senate President at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Isang araw bago ang kaniyang kaarawan, agad na nagpasalamat si Enrile sa mga nauna nang bumati sa kaniya. 

"I wish all the girls Happy Valentine's. Thank you all who thought of me or who greeted me on my birthday," aniya sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Pebrero 13.

"99 year is a long time in terms of years, but a flickering moment in terms of eternity. Ce'est la vie! That is where we are all going. It is a race no one wishes to win!" dagdag pa niya.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Samantala sa kaniya namang Facebook post ngayong Martes, muli siyang nagpasalamat sa mga bumati sa kaniya at hindi niya rin nakalimutang magpasalamat sa Diyos.

"To everyone who greeted me or will greet me on my 99 years on this planet, thank you very, very much, and happy valentine's day to all of you. I love you all," ani Enrile.

"99 years are, indeed, long in term of years, and I thank God for granting me those years. But in terms of eternity, those seemingly long years are but a fleeting moment.

"Nonetheless, thank you Lord for the years you gifted me; for the protection you blessed me; and for all the blessings you have generously given to me and to my family; and the friends you, Lord, allowed me to have during my lifetime. Thank you dear God for this day!"

Ipinanganak si Enrile noong Pebrero 14, 1924. Nagsilbi siya sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., bilang Kalihim ng Department of Justice at National Defense.

Sa kasalukuyan, nagsisilbi siyang Chief Presidential Legal Counsel sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., anak ni Marcos, Sr.