Maganda ang Valentine’s Day para sa fans nila Donny Pangilinan at Belle Mariano o “DonBelle” matapos ibahagi ng Star Magic ang screenshot ng naganap na virtual meeting para sa kauna-unahan nilang teleseryeng “Can’t Buy Me Love.”
Sa naturang virtual meeting, present ang big bosses at creative team ng Star Creatives, na siyang mangunguna sa produksyon, gayundin ang ABS-CBN broadcast head na Cory Vidanes at Star Magic head na si Lauren Dyogi.
Kapansin-pansin din na kasama rin sa meeting ang mga magulang ni Donny na sina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa, na sinasabing may role din sa nasabing proyekto.
Disyembre pa noong nakaraang taon, unang nagbigay ng patikim ang ABS-CBN sa “DonBelle” series, dahilan upang mas manabik ang mga fans at mag-trend muli ang hashtag #DonBelle sa Twitter.
Tatayong direktor ng “Can’t Buy Me Love” si Henry King Quintain, na siyang tumatak sa kanyang mga naunang teleserye kagaya ng “Got to Believe,” “The Legal Wife,” at “Pangako Sa’yo.”
Sumikat ang tambalang “DonBelle” dahil sa tagumpay ng hit series nila na “He’s Into Her” at mga pelikulang “Love Is Color Blind” at “An Incovenient Love.”