Positibong nagbigay ng update ang content creator na si Dr. Krizzle Luna o mas kilala bilang si “Doc Luna” tatlong linggo matapos itong maaksidente.

Sa bagong video na inilabas ng doktor, sinabi nito na kahit papaaano ay unti-unti na siyang nakaka-recover.

"Medyo nakaka-recover na tayo kahit papaano. Paminsan puwede ko na rin tanggalin yung collar ko. Ito po 'yung surgery ko sa harap ng leeg ko, meron din sa likod," ani Doc Luna.

Matatandaan na nitong Enero 21, ibinunyag ng content creator na nadawit siya sa isang vehicular accident na sanhi ngayon ng kaniyang pagpapa-ospital.

Sen. Bato, Sen. Go, pansamantalang papalit na bantay ni Lopez

BASAHIN: Content creator Dr. Krizzle Luna, naaksidente; humihingi ng panalangin para sa agarang paggaling

“Maraming maraming salamat po sa walang sawang suporta at sa mga prayers. Naaksidente po tayo, nagkaroon po ng vehicular accident. Nawalan ng preno ‘yung nakasalubong naming sasakyan,” aniya sa isang video na inupload sa kaniyang Facebook page nitong Sabado, Enero 21.

Nagpasalamat naman ito sa mga sumusuporta sa kaniya at patuloy na nagdarasal para sa kaniyang agaran na paggaling.

Kasalukuyan ding sumasailalim ang doktor sa mga physical therapy sessions at occupational therapy.

Nagbabala naman siya sa publiko hinggil sa mga taong ginagamit ang kaniyang pangalan upang humingi ng donasyon at mga fake endorsement.

Taliwas sa una niyang sinabi, ngayon ay nangangalap na ng donasyon ang doktor dahil aniya ay nagkaroon ng kaunting problema.

Ngunit pinag-iingat naman niya ang publiko na tanging sa personal niyang accounts at sa mga kaibigan niyang doktor ang mga maaaring pagbigyan ng tulong.