Nakarating sa kaalaman ni "Martyr or Murderer" director Darryl Yap ang tugon ng batikang aktres na si Cherry Pie Picache sa tanong na payag ba itong gumanap na "Imelda Marcos" sa isang pelikula kung sakaling ma-offeran at ang magdidirehe ay si Yap.

"No" ang sagot ni Cherry Pie na kabilang sa pelikulang "Oras De Peligro" ni Direk Joel Lamangan, na sinasabing "babangga" sa MoM ni Yap.

"May konsensya pa ba siya?" tugon ni Cherry Pie.

Kung handa raw magsabi ng totoo si Yap sa kaniyang pelikula, baka sakaling pumayag pa umano ang aktres na isang certified Kakampink.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sa isang Facebook post ay agad namang bumanat si Yap.

"Aking Reaksyon tungkol sa Pahayag ni Ms. Cherry Pie Picache," aniya.

"Tinatanong po ni Miss Cherry Pie Picache kung may konsensya pa raw ba ko dahil sa mga Marcos films na ginagawa ko.

Sasagutin ko po ang tanong n'ya, ng dalawang tanong."

"1. Alin kaya sa eksena sa #MAIDinMALACAÑANG at #MARTYRorMURDERER ang hindi totoo, napanood na ba n'ya ang #MIM, kasi ang #MOM ineedit ko pa. Ano sa loob ng mga gawa ko ang kasinungalingan?"

"2. Napakahusay umarte ni Miss Cherry Pie, pero ngayon lang ako parang naOAyan sa kaniya (actually pangalawa na pala ito, una nung umiyak sya sa kampanya ni Leni at para siyang CEO na isang pyramiding company na sumisigaw ng MANGHIKAYAT KAYO!)"

May seryosong tanong ang direktor sa aktres at binanggit nito ang tungkol sa pagpapatawad nito sa salarin sa pagpatay ng kaniyang ina.

"Napanood ko kasi kung paano mo pinatawad ang pumatay sa Nanay mo, ang pagsabi mo ng magagandang bagay patungkol sa pangtanggap at pagbibigay katwiran sa mismong kriminal na pumatay sa Nanay mo— naisip ko, YUNG PUMATAY SA NANAY MO, NAYAKAP MO."

"Sigurado kang may kabutihan sa kaniya—"

"Ako, na gumagawa lamang ng pelikula (na dahilan kung bakit kayo may pelikula) AKO ANG TINATANONG MO KUNG MAY KONSENSYA?"

Sinabi ni Yap sa huli na walang dapat ipag-alala si Picache dahil wala naman daw siyang sinabing bet niya itong makatrabaho.

"At wag po kayong mag-alala; wala naman po akong deklarasyon na gusto ko kayong makatrabaho," aniya na may pa-hashtag na #KAMOTEpie.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Cherry Pie tungkol dito.