Pormal nang binuhay muli ng City of Manila, sa pamamagitan ni Mayor Honey Lacuna, ang ‘The Manila Film Festival’ (TMFF), katuwang ang concept at implementation partner nito na ARTCORE Productions, Inc..

Ibinalita ni Lacuna nitong Lunes na nagpirmahan na sila ng Memorandum of Agreement noong Pebrero 10, 2023 lamang sa Bulwagang Villegas sa Manila City Hall hinggil dito.

Ayon kay Lacuna, dahil dito, ang Manila Film Festival ay magiging mahalagang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Araw ng Maynila tuwing Hunyo 24.

Samantala, ayon naman kay Tourism Bureau chief Charlie Dungo, bagamat wala pang iskedyul, ang TMFF ay magtatagal sa loob ng isang linggo.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

“The schedule is still a work in progress but we are hoping to start the regular screenings on a Friday or Saturday (Hunyo 16 o 17), the premiere night on a Wednesday (Hunyo 14), and the judges’ screenings on Thursday to Saturday (Hunyo 15 hanggang 17),” ani Dungo.

Aniya pa, ang TMFF ay magtatampok ng mga pelikula na resulta ng student film grants competition dahil ang TMFF ay isang search para sa next generation of young Filipino filmmakers. Ang TMFF ay bahagi ng legacy ng City of Manila sa hinaharap.

Bukas anila ito sa lahat ng young Filipino filmmakers sa buong bansa dahil ang 'Call for Original Feature Film Screenplays' ay bukas din para sa mgasenior high school at college students sa buong bansa.

Ang panawagan para sa pagsusumite ng screenplay ay nakatakdang ilabas pagkatapos ng paglulunsad nito.

Ang iba pa namang detalye hinggil dito ay ilalagay sa panawagan sa screenplay submissions.

Nabatid na nasa walong pelikula ang mapipili para sa public screening at competition proper.

Mapapanatili umano ng author ang intellectual property rights (IPR) ng mga naturang mapipiling pelikula.

Bawat isa rin sa walong team na mapipili ay bibigyan ng TMFF mentor na siyang gagabay at magbibigay ng payo sa kanila.

Hihilingin rin umano ng TMFF ang suporta ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) sa mahalagang proyektong ito ng pamahalaang lungsod.