Kasunod ng anunsyo ng pagpanaw ni Lualhati Bautista nitong Linggo, Peb. 12, isang pagpupugay ang iginawad ni dating Vice President Leni Robredo para sa isa sa pinakatinitingalang nobelista ng bansa na kaniya ring naging tagasuporta noong May 2022 elections.

“Isang pagpupugay kay Lualhati Bautista. Maraming salamat, Ma’am, sa pagbabahagi ng sarili, husay, at tapang sa pamamagitan ng inyong buhay at mga akda,” mababasa sa social media post ni Robredo kalakip ang larawan ni Bautista nang pormal na magdeklara ng suporta sa kaniyang presidential candidacy noong Pebrero nakaraang taon.

Basahin: May-akda ng nobelang ‘Dekada ’70’ na si Lualhati Bautista, suportado ang Leni-Kiko tandem – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Malaking karangalan po na matanggap ang inyong suporta,” pagtatapos niya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ipinagluluksa ng samahang manunulat, mga kilalang personalidad sa larangan ang pagpanaw ni Bautista na utak ng mga bantog na librong progresibo at naghatid ng politikal na kamalayan sa bansa.

Kabilang sa mga akdang nobela ni Bautista ang “Dekada ’70,” “Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa?” at  “GAPÔ.”

Maliban sa kaniyang mga libro, isa ring maimpluwensyal na personalidad si Bautista online na kilala sa kaniyang matalas na mga komentaryo ukol sa mga isyung panlipunan.

Basahin: Makapaglingkod sa bayan? Lualhati Bautista, ‘di kumbinsido sa mga substitute candidate – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid