Inilunsad na ng Philippine Postal Corporation (Post Office), katuwang ang Megaworld Lifestyle Malls ang kanilang “Pupusuan Kita – Araw ng mga Puso 2023” Valentine’s Day Stamps at greeting cards, kasunod na rin nang pagdiriwang ng Valentine’s Day ngayong Martes.

“This season of hearts, the Post Office, together with our Partner Megaworld Lifestyle Malls, will let the public experience how we can better express our love, care, and respect for anyone who is important in our life,” ayon kay Assistant Postmaster General for Management Support Services Atty. Benjie Yotoko, sa launching ceremony na isinagawa sa Ponte Lobby Venice Grand Canal sa McKinley Hill, Taguig City.

Nabatid na ang Post Office ay mayroong satellite office sa Ground Floor ng Venice Luxury Residences, kung saan madaling makapagpadala ng mga liham, packages, at Postal ID.

Ayon sa PHLPost, ang naturang espesyal na araw ay pagkakataon rin upang pasalamatan natin ang mga taong minamahal natin, gaya ng ating pamilya, kaibigan at special someone.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Itinaguyod anila nila ang Valentine's Day Stamp at greeting cards upang pataasin ang interes ng publiko at ng mga kabataan hinggil sa kahalagahan ng mga liham, sa pagpapahayag ng ating pagmamahal sa ating mga katuwang sa buhay, kaibigan, at pamilya.

“The Postage Stamps that we will launch today remind us of our traditions, mixed with cool, witty, and cute hand gestures of Love. Designed by our in-house artist, the vintage charm, simplicity, and color of the block of four cartoon-style stamps complement each other perfectly,” dagdag pa ni Yotoko.

Anang PHLPost, ang mga stamps ay may nakasulat na mga katagang: “Pusong Nagmamahal”, “Pusong para sa Iyo”, “Itong Puso Ko”, at “Ikaw ang Puso Ko.”

Dagdag pa ng PHLPost, ang mga Pilipino ay sadyang mga romantiko, kaya ang pagkahumaling sa mga pagpapahayag ng pag-ibig na ito ay nagpapakita ng kanilang mga damdamin sa isang masayang paraan.

Itinuturing na isa sa pinakahihintay na Philatelic release, ang mga selyo para sa Araw ng mga Puso ngayong taon ay idinisenyo ng Post Office in-house graphic artist na si Agnes Rarangol.

Samantala, matatandaang inilunsad na rin ng Post Office Mega Manila Area ang “Pada-LOVE! Magpadala, Kiligin, Ma-in love", na nag-aalok ng tradisyonal nitong "Singing Kartero package" na nagkakahalaga ng P2,500, na may kasamang bungkos ng mga bulaklak, greeting card, at dalawang awitin mula sa mga ‘Singing Karteros’.

Anang Post Office, ang “Express Pada-LOVE”, na magtatagal hanggang Pebrero 15, ay hindi lamang para sa mga Filipino lover, kundi isang kapana-panabik na paraan rin upang isulong ang kanilang Domestic Express Mail Service (DEMS).

Ang naturang Valentine’s Day project ay nag-aalok ng same-day/next-day delivery ng mga bulaklak, tsokolate, cake, stuffed toy, card, at iba pang mga regalo, kasama ang mga serbisyo ng Singing Kartero, para sa mga mahal sa buhay, sa panahon ng isang linggong pagdiriwang ng Araw ng mga Puso .

Para sa iba pang katanungan tungkol sa mga selyo, mangyaring tumawag sa 8527-01-08 o 8527-01-32 o sundan/i-like ang Facebook pagehttps://www.facebook.com/PilipinasPhilately/para sa mga update.