Naging malalim at personal ang sagot ni international fashion socialite Heart Evangelista nang matanong muli ukol sa kaniyang plano o wala kaugnay ng pagkakaroon ng anak.

Ito ang diretsang sagot ng Kapuso star nang matanong ni ">Nelson Canlas ng GMA News sa isang ulat kamakailan.

“Hindi ko siya pinag-uusapan actually kahit madaming nagtatanong kasi you know no matter how you put it, it’s always painful to lose a child and I didn’t just lose one, I lost twins,” ani Heart.

Noong 2018, matatandaang nakunan ng kambal ang aktres na sana’y mga supling nila ng asawang si Chiz Escudero.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Basahin: Heart Evangelista, huwag daw ma-pressure na magkaroon ng anak, sey ni Lolit Solis – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pag-amin ng aktres, noon ay talagang na-pressure aniya siyang magkaanak.

“I must say, it wasn’t just because dahil artista ka. Of course, subconscious ‘yung makikita mong comment ‘di ba?” sey ng fashion icon.

“Because dahil lahat ‘yun, kahit ‘yung ibang mga kilala mo sa buhay mo, apparently they expect that. For me at this point, hindi siya binibigay sa’kin so bakit ako magmumukmok ‘di ba, or bakit din ako magce-celebrate din. I will just live my life and I’m happy,” dagdag ni Heart.

Hirit pang tanong ni Canlas kay Heart: “Are you trying to have a baby?”

“No, I’m not,” agad na sagot ni Heart.

Paliwanag niya: “Kung pipilitin mo ‘yuung hindi para sa’yo, para saan pa? But kung para sa’yo, edi para sa’yo. I’ve not given up but you know, I’m not pressuring myself.”

Bukas, Pebrero 14, magdiriwang si Heart ng kaniyang ika-38 kaarawan.

“Habang tumatanda ka, tumatapang ka. Hindi ko ibig sabihin na sumasama ugali mo, iba ‘yun ‘di ba. You gain wisdom. You become strong to defend youself; to defend your loved ones,” anang Kapuso star.

Samantala, maagang ipinagdiwang ni Heart ang kaniyang kaarawan noong Sabado, Peb. 11, kasama ang mister, mga kaibigan, at kilalang boss ng GMA Network.

Kabilang sa mga present sa party ang glam duo ni Heart sa kaliwa’t kanang fashion ganap: sina Jeck Aguilar at Justin Soriano.

Naroon din sina GMA bosses Joy Marcelo, Gigi Lara, Lilybeth Gomez-Rasonable, Kristine Lesaca, Mark Dela Cruz, at Renze Rovie, bukod sa iba pa.