Taos pusong nakikiramay ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno sa pamilyang naiwan ng nobelistang si Lualhati Bautista na pumanaw nitong Linggo, Pebrero 12.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/12/nobelistang-si-lualhati-bautista-pumanaw-na-sa-edad-77/

Sabi ni Diokno, napakalaking kawalan sa mundo ng sining ang pagpanaw ng Bautista.

"Napakalaking kawalan sa mundo ng sining ang pagpanaw ni Lualhati Bautista. Nag-iwan siya ng mahalagang marka sa buhay ng bawat Pilipino na tumangkilik sa kanyang mga obra. Taos-pusong pakikiramay sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay," aniya sa kaniyang tweet nitong Lunes, Pebrero 13.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1624949713077166081

Itinuring si Bautista na isa sa mga pinakamahusay at popular na manunulat ng bansa. Ilan sa mga tumatak na akdang naisulat niya ay ang mga nobelang tulad ng ‘Dekada ’70;’ ‘Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa?;’ at‘ ‘GAPÔ.’

Maliban sa kaniyang mga libro, isa ring maimpluwensyal na personalidad si Bautista online na kilala sa kaniyang matalas na mga komentaryo ukol sa mga isyung panlipunan.

Bukod kay Diokno, isang pagpupugay naman ang iginawad ni dating Vice President Leni Robredona kaniyang naging tagasuporta noong May 2022 elections.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/13/robredo-nagbigay-pugay-nagpasalamat-kay-lualhati-bautista/