Tila biktima na naman ng fake news ang "Eat Bulaga" host na si Bosing Vic Sotto matapos lumabas sa isang social media page ang isang pubmat na nagsasabing pumanaw na raw siya ngayong araw.

Makikita sa Facebook page na may pamagat na "Frontline Pilipinas," na tila hango sa flagship newscast ng TV-5, ang naturang patalastas.

"BREAKING: 'VIC' Sotto, Namatay sa edad 68. Paalam Bossing VIC Sotto, Salamat sa buhay mo sa EB," mababasa sa caption.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inilagay pa nito na ang source ay mula sa GMA News.

Screengrab mula sa FB page na "Frontline Pilipinas"

Marami naman sa mga netizen ang nabigla, subalit mas marami ang nakaramdam ng galit sa ipinakakalat na "hoax" ng naturang page.

Hindi ito ang unang beses na nabiktima ng hoax o fake news si Bosing. Isang video ang kumalat noong Nobyembre 21, 2021 na nagsasabing patay na raw ang TV host-comedian sa edad na 74. Ganito rin ang nangyari sa kaniya noong 2014 subalit lahat ng ito ay pawang walang katotohanan.

Screengrab mula sa YT/TikTok

Sa Instagram account naman ni Pauleen Luna-Sotto, ang misis ni Vic, makikitang naibahagi pa niya ang photos nila kasama ang pamilya.

Sa IG stories naman, makikitang masaya silang namamasyal sa Hongkong Disneyland, sa halip na nagluluksa.

Wala pang tugon, reaksiyon, o opisyal na pahayag ang kampo ni Vic tungkol dito.