Tuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation ng Philippine contingent sa Turkey kasunod ng 7.8-magnitude na lindol nitong Pebrero 6, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Sa isang radio interview nitong Linggo, sinabi OCDAssistant Secretary Raffy Alejandro, lima na ang nadiskubre ng Philippine team na posibleng buhay na biktima ng pagyanig matapos na suyurin ang siyam na gumuhong gusali.

“They are in high spirits. Okay naman sila. Wala pong problema so far. Mayroon na silang assignment doon. Gumagawa na sila ng search, ‘yung ating team together with the local authorities doon. May na-assign na po doong area o site sa kanila,”

Kumpleto aniya ng kagamitan ang search and rescue team ng Pilipinas kung saan kaya nilang ma-detect ang mga survivor kahit na ilalim pa sila ng gumuhong gusali.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Ang nasabing Philippine team ay binubuo ng82 na tauhan--33 mula sa Armed Forces of the Philippines; 21 mula sa 525th Engineer Combat Battalion ng Philippine Army, 51st Engineer Brigade; at 12 mula sa Air Force 505th Search and Rescue Group.

Kabilang din sa grupo ang dalawa mula sa OCD, siyam mula sa Metro Manila Development Authority, walo mula sa Subic Bay Metropolitan Authority, at 30 na emergency medical technicians (EMTs) mula naman sa Department of Health.

Nitong Linggo ng madaling araw, isinapubliko ng Turkish government na mahigit na sa 25,000 ang nasawi sa pagyanig na tumama rin Syria nitong nakaraang Lunes.