Pipiliting manalo ng Ginebra San Miguel laban sa Magnolia Hotshots para sa protektahan ang perfect record nito, sa PBA Governors' Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay ngayongLinggo ng gabi.

Iniiwasan ng Gin Kings na maputol ang kanilang three-game winning streak at upang umangat pa ito sa team standing.

Naibulsa ng Ginebra ang huling panalo laban sa NorthPort nitong Pebrero 10 kung saan ipinalasap kay shooting guard Robert Bolick ang kabiguan sa unang laro nito sa Governors' Cup.

Aasa muli si Ginebra head coach Tim Cone sa import na si Justin Brownlee, katulong sina Jamie Malonzo at Jeremiah Gray na humakot ng pinag-isang 44 puntos sa pagkapanalo nila kontra Batang Pier.

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Sinabi ni Cone, posibleng hindi gagamitin ang serbisyo ni center/power forward Japeth Aguilar na hindi nakalaro sa huling dalawang laban ng koponan dahil sa iniindang knee injury.

Gayunman, malaki ang posibilidad na maglalaro si Christian Standhardinger laban sa Magnolia sa kabilang ng knee injury, upang mapunan ang puwesto ni Aguilar.

Sa kabila nito, hindi kumpiyansa si Cone dahil sa inaasahang mahigpit na laban nila sa Magnolia na kagagaling sa panalo laban sa Phoenix Fuel Masters, 108-95, nitong Biyernes.

Nakakuha na ng Hotshots ang unang panalo sa apat na laban sa tulong ng bagong import na sik Antonio Hester.