CALAMBA City, Laguna – Arestado sa isang buy-bust operation dito ang isang 40-anyos na pulis na tinaguriang high-value individual at dalawa sa kanyang mga kasamahan na nakalista bilang street-level individual sa isang buy-bust operation dito bago mag-umaga noong Sabado, Peb. 11.

Kinilala ng pulisya dito ang mga suspek na sina Staff Sgt. Benhur de Jesa Verdera, 40, hepe ng warrant section ng Liliw, Laguna Municipal Police Station; Kevin John Ballos, 30, at Alejandro Rodriguez Mane, alyas ‘’Haji,’’ 42, pawang mga residente ng lungsod na ito.

Arestado ang mga suspek ng magkasanib na operatiba ng pulisya sa Purok 9, Barangay 1 matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur-buyer.

Nakuha sa kanila ang anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800. Nakumpiska kay Verdera ang kanyang government-issued firearm at isang Philippine National Police (PNP) identification card.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ang mga suspek ay nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa droga, sinabi ng officer-on-case na si Corporal Raymark Basco.

Samantala, tatlong hinihinalang tulak ng droga ang nasakote rin sa buy-bust operation sa Tiaong, Quezon noong Linggo, Pebrero 12, araw matapos ideklarang drug-cleared ang tatlong barangay sa munisipyo.

Kinilala ng lokal na pulisya ang mga suspek na mga residente ng Tiaong na sina Henry de los Reyes, Sharlyn Anglo, at Orlando Ramilo.

Nakuha mula sa mga suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P176,000, isang baril.