Nasa 223 na lamang ang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Linggo.

Sinabi ng DOH, umabot na rin sa 4,074,691 ang kaso ng sakit sa bansa, kabilang na ang active cases na 9,177 nitong Pebrero 12.

Nadagdagan pa ng 222 ang nakarekober sa sakit kaya umabot na ito sa 3,999,565.

Naitala rin ng ahensya ang 65,949 na nasawi sa Covid-19 mula nang magkaroon ng pandemya noong 2020.

Eleksyon

Bong Go, nanguna sa senatorial survey ng SWS

Sa nakalipas na dalawang linggo, nakitaan din ng pagtaas ng kaso ng sakit sa Metro Manila, Region 4A (Calabarzon), Davao Region, Western Visayas at Central Luzon.