Malapit na naman ang pagdiriwang ng Valentine's Day, at para sa mga mag-asawa at may partner, siyempre ay bahagi na ng kanilang "pagpapadama" ng kanilang pagmamahal sa isa't isa ay ang "loving-loving."

Upang mas malasap ang sarap ng pagsasama, maraming klase ng mga "pampadulas" upang maging mas "suwabe" ang paggaod. Sinasabing ang ari ng babae ay may natural at may kakayahang mag-self lubricate kapag mahusay na nakakalabit ng kaniyang partner ang sensasyon ng kanilang ginagawa. Pero paano kung hindi ito mangyari?

Well, maraming nagkalat na water-based, oil-based, o silicon-based lubricants sa mga botika, convenience store at department store. Kung pasok naman sa budget, mas mainam na bumili nito. Ano ba ang benepisyo kapag gumamit ng lubricants sa pakikipagtalik?

Mas ligtas at iwas sa pagsusugat. Bago ang ligaya, makabubuting tiyakin munang ligtas ang pakikipagtalik. Ang mga vaginal tear at anal fissure o pagsusugat ay kadalasang nangyayari kapag hindi sapat ang likas na lubrikasyon ng katawan habang nagtatalik, lalo na sa puwitan, dahil wala itong sariling lubrikasyon. Bukod sa masakit, mahapdi, at hindi ito komportable sa pakiramdam ng kapartner, mas mapanganib ding makakuha o makasagap ng mga sakit kagaya ng Sexually Transmitted Disease o STD.

Human-Interest

Babaeng may PCOS na deboto ng Poong Nazareno, biniyayaan ng anak

Mas komportable, mas masarap. Nababawasan ang mga hindi kanais-nais na pakiramdam gaya ng hapdi, kirot, at iritasyon kapag gumamit ng lube, kaya mas komportable at madali maabot ang orgasmo. Sa foreplay naman, puwede itong gamitin sa pagsalat at paghaplos ng mga "erogenous zone" sa katawan upang mas mapataas ang libido sa katawan ng partner, at mas lumabas pa ang kaniyang natural na lubricant sa ari. Mas mataas libido, mas ganado!

Mas masaya at exciting. Nakadaragdag din ng sensasyon kung madulas ang "paglabas-masok." Mas mabilis ang orgasmo, makakapahinga, at kahit ilang rounds pa!

Subalit paano kung walang budget para bumili nito?

Nangalap ang Balita ng ilang mga alternatibong pampadulas na kadalasang ginagamit ng mga mag-partner lalo na kung "biglaan" ang pag-aaya, o kaya naman ay kapos sa budget para bumili nito.

Lotion. Kung may lotion naman, lalo na ang body and hand lotion na karaniwang mayroon ang isang babae, maaari umano itong ilagay sa naghuhumindig na ari ng lalaki; bukod sa dumudulas na ang sandata, dagdag pa sa foreplay ang mismong paglalagay nito. Bilisan lamang at baka matuyo kaagad.

Larawan mula sa Pixabay

Petroleum jelly. Ang ilan ay gumagamit ng petroleum jelly na mabisang panlapat sa dry lips at skin, subalit hindi ito inirerekomenda lalo na kapag may suot na condom. Maaari daw itong makasira sa condom habang isinasagawa ang "bakbakan," kaya puwedeng magdulot ng impeksiyon o kaya naman, unwanted pregnancy.

Larawan mula sa Pixabay

Tubig. Siyempre, bilang "universal solvent" ay pasok na pasok talaga ang tubig bilang lubricant. Pero medyo hassle ito dahil kung medyo sabik na sabik na sa isa't isa, baka mamaya niyan, basa na pala ang buong kama. Ang ginagawa ng iba, sa loob ng palikuran habang naliligo o nagsha-shower para mas exciting!

Larawan mula sa Pixabay

Laway. Kung wala ang mga option na nabanggit, pinakapopular at pinaka-available na lubricant ay mismong laway ngunit bilisan lamang dahil mabilis itong matuyo.

Larawan mula sa Pixabay

Hindi naman inirerekomenda ang paggamit ng iba pang mga likidong produkto gaya ng langis, gasolina, mantika, juices, condiments, chocolate syrup, shampoo, toothpaste, mouthwash, pabango, at iba pa dahil baka naman magkaroon ng impeksiyon sa sensitibong bahagi ng katawan. Hindi naman natin nanaising malagay sa alanganin ang iyong kalusugan at kaligtasan sa paggamit ng bagay na hindi naman nilikha para maging personal lubricant.

Isa pang bagay, laging tatandaan na gumamit ng proteksyon upang makaiwas sa mga sakit at impeksiyong maaaring makuha mula sa pakikipagtalik.