Maraming netizens ang naantig sa larawang ibinahagi ng Facebook user na si Nicholas Ellis, matapos proud niyang iflinex ang kaniyang kapatid na may down syndrome na sumalang sa unang araw bilang crew sa isang sikat na fastfood chain na Shakey’s.

“Hello friends! First day ng pinaka sexy kong kapatid sa Shakey's Philippines! Duty niya is every Tuesday, Wednesday, and Thursday, 10:00 AM to 1:00 PM, Shakey’s Lagro Branch. Bisita kayo and bibigyan niya kayong madaming free tissue! Big thanks to Down Syndrome Association of the Philippines, Inc. and Shakey's Philippines for making this happen,” mababasa sa caption ng kaniyang post noong Pebrero 6.

Ikinuwento naman ni Nicholas sa Balita Online na tinulungan niya ang kaniyang kapatid na si Luiza sa mga dokumento na kailangang isumite sa Down Syndrome Association of the Philippines, Inc. o (DSAPI) upang makapasok sa trabaho.

Aniya, “For the requirements, mostly kami yung nag-asikaso, kami yung nakipag-usap sa head ng DSAPI at sa Shakey’s. DSAPI is the association responsible for this collaboration with Shakey’s.”

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Ikinuwento rin niya na ang programa ay nagsimula noong 2018 sa isang branch ng Shakey’s sa Commonwealth at natigil ito dahil sa pandemya. Dagdag pa niya, nagpapasalamat umano siyang nalipat ito sa Lagro branch kung saan hindi malayo sa kanilang bahay. .

“The program started noong 2018. Una sa Shakey’s Commonwealth siya at nalipat na sa Lagro which is a big relief kasi 1 jeepney away na lang sa bahay namin. Natigil lang siya noong pandemic and this week lang ulit natuloy,” paliwanag niya.

Narito naman ang komento ng netizens:

“Kaya favorite talaga namin mag-celebrate ng birthday sa Shakey's Philippines.”

“Cute! Enjoy your first job.”

“Inclusivity at its finest! AWESOME JOB, SHAKEY’S PH!”

“Great job Nicholas for being a good supporter of your sister Luiza! Congratulations to proud parents!”

“Wow! Ingat ka Luiza Nikki and always be happy.”

“Full Blast Support to you Nikki. Thanks to Shakey's and to all who supported her.”

“Galing! Sana other establishments will follow this good lead.”

“Nikki used to volunteer too, sa Kid's Church Ministry. She inspires all of us.”