Kabilang si Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo sa People to Watch 2023 ng Rising Tigers Magazine.

Kinikilala ng parangal ang mga umuusbong na lider na nag-ambag sa positibong pagbabago sa Pilipinas at Asya.

“Isang karangalan na makilala ng Rising Tigers Magazine. Ang award na ito ay nagpapaalala sa akin na magpasalamat sa pagkakataong makapaglingkod sa ating bayan,” ani Lamentillo.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

DICT Usec. Anna Mae Lamentillo (Larawan mula sa DICT)

“Sa pagtanggap sa pagkilalang ito, ang aking pangako ay patuloy na magsumikap upang matulungan ang ating bansa na makamit ang buong potensyal nito at mapabuti ang buhay ng mga Pilipino. Dati, nakipagtulungan kami sa 6.5 milyong manggagawang Pilipino upang magtayo ng mga kalsada, tulay, silid-aralan, mga proyektong pang-iwas sa baha, paliparan at daungan upang mapabuti ang mobility, pag-access sa mga pangunahing serbisyo, at upang ikonekta ang ating mga komunidad. Ngayon, ang layunin namin ay tiyakin ang universal connectivity—kabilang dito ang pagtulay sa digital divide, pagsara sa digital gender gap, at pagtiyak ng digital inclusion upang ganap na magamit ng mga Pilipino ang mga benepisyo ng digital technology,” dagdag pa niya.

Si Lamentillo ay Tagapagsalita at Undersecretary ng DICT para sa Public Affairs at Foreign Relations, na siyang namamahala sa mga strategic communications at media, international relations, at legislative affairs ng Departmento. Siya rin ang focal person ng DICT para sa mga direktiba ng pangulo at gabinete.

Bago ito, siya ang chairperson ng Build, Build, Build Committee ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang concurrent chairperson ng Infrastructure Cluster Communications Committee.

Bukod kay Lamentillo, kinilala rin ng Rising Tigers Magazine sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Margarita Gutierrez, Congresswoman Margarita Nograles, Brian Poe Llamanzares, Walther Buenavista, Michelle Dee, Arch. Miko Delos Reyes, Atty. Arnel Mateo, Rafael Oria Jr., King Tomoro, Coco Martin, Lovi Poe, at Dionisio Tan Jr.