Isang bouquet na gawa sa sari-saring pagkain tulad ng mga prutas at tsokolate sakto sa Valentine’s Day ang ibinebenta ng isang fruit-floral shop sa Quezon City.
Sa ulat ng Manila Bulletin, ibinahagi ni Leah Dy, may-ari ng Fruits In Bloom, isang fruit-floral shop na matatagpuan sa Esguerra Street sa South Triangle, Quezon City, na nagsimula silang magtinda ng nakakaing bouquet para sa Valentine’s day noong taong 2013.
“It’s a good choice as it’s very practical – you get to eat it as cocktail, dessert, table centerpiece; the containers are reusable ceramics; packaging is good grade and recyclable,” ani Dy.
Dagdag ni Dy, inaabot sila ng isang oras sa pag-aayos ng nasabing bouquet.
Para sa presyo naman, nasa ₱1,350 hanggang ₱2,350 ang bouquet na nasa small sizes, ₱3,350 hanggang ₱4,500 ang nasa medium sizes, habang ₱5,580 hanggang ₱7,000 naman ang presyo ng large sizes.
Nagbubukas daw ang kanilang shop sa Quezon City mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Samantala, isang bouquet naman na gawa sa pinatuyong isda ang ibinebenta sa Cebu para sa darating din na araw ng mga puso.
Basahin: ‘Bulad bouquet kayo diyan!’ Dried fish, ginawang bouquet para sa Valentine’s day
–
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!