Naabo ang 100 na bahay sa naganap na sunog sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City nitong Linggo ng umaga.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Mandaluyong City, sumiklab ang sunog sa Block 32 Extension, Brgy. Addition Hills, dakong 6:00 ng umaga.

Ayon kay Mandaluyong Fire Marshal Supt. Nazrudyn Cablayan, madaling kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.

Naging pahirapan din aniya ang pagresponde ng mga bumbero dahil sa makitid na eskinita.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

“Kung mapapansin natin ang area na involved is mga light materials, maliliit po ang mga eskinita na mahirap pasukin. Ang kagandahan lang, dumating ang mga volunteers natin at hindi na kumalat,” ani Cablayan.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog at idineklarang under control dakong 8:34 ng umaga.

Aabot sa ₱8 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa insidente na iniimbestigahan pa ng mga awtoridad.