Viral ngayon sa Tiktok ang pag-alulong umano ng isang aso sa Turkey bago yumanig ang magnitude 7.8 na lindol noong Lunes, Pebrero 6. Tila pilit daw nitong pinaalalahanan ang mga tao sa lugar sa paparating na kalamidad.

Makikita sa mahigit isang minutong video ang halos walang tigil na pag-alulong ng isang aso sa paligid kung saan wala nang masyadong tao dahil tila nasa loob na ng kanilang mga tahanan ang mga residente sa lugar para magpahinga.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang nasabing video ay post kamakailan ng Stray Beautiful, isang non-profit organization na tumutulong at nagbibigay ng pondo sa volunteers at rescuers ng stray animals sa iba’t ibang mga bansa mula Turkey hanggang Brazil, Venezuela at India.

“He tried to warn them of the danger about to come before the earthquake hit,” pahayag ng Stray Beautiful sa video.

“These are God's gifts. Humans and we should appreciate them more,” dagdag nito.

Ayon sa mga ulat at paniniwala, isa sa mga dahilan kung bakit umaalulong umano ang isang aso ay kapag nakaramdam siya ng kakaibang nangyayari sa lupa, tulad na lamang ng paparating na lindol.