Inabisuhan ng Maynilad Water Services ang mga customer nito sa Metro Manila na mag-imbak na ng tubig dahil sa inaasahang supply interruption na tatagal hanggang Araw ng mga Puso.

Walang tutulong tubig sa mga gripo ng mga customer nito sa west zone ng National Capital Region (NCR)simulanitong Pebrero 10 hanggang Pebrero 14, ayon na rin sa Facebook post ng kumpanya.

Kabilang sa mga apektado ang Las Piñas City, Muntinlupa City,Parañaque City, at Pasay City sa Metro Manila, at Bacoor City, Cavite City, Imus City, Noveleta, at Rosario sa Cavite.

"We encourage our affected customers to store enough water when supply is available," banggit ng water concessionaire.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Nangako rin ang Maynilad na iikot sa mga lugar na apektado ng water service interruption ang mga tanker nito upang magrasyon ng tubig.

Idinagdag pa ng kumpanya, resulta lamang ito ng pinalawig na "high raw water turbidity" na dulot ng hanging amihan.