Kumpiyansa pa rin si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na makalalaro pa rin si Kai Sotto sa national team para sa 6th at final window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero 24 at 27.
Sinabi ni Reyes na may nangyayaring pag-uusap sa pagitan ng pamunuan ng Gilas Pilipinas at kampo ni Sotto.
"I know they're talking, there are negotiations. We've made an offer. We've made a very good offer," pahayag ni Reyes sa mga mamamahayag nitong Sabado.
Gayunman, sinabi ni Reyes na nasa pagpapasya na ng kampo ni Sotto kung tatanggapin ang alok nila.
Naiintindihananiya nito ang pangako ni Sotto na maglaro para sa national team kaya tiwala siyang magkakasundo ang mga ito sa usapin.
Matatandaangumalis na si Sotto sa Adelaide 36ers sa National Basketball League sa Australia matapos ang dalawang taong paglalaro at sasabak na sa Japan B.League kasunod ng pagpirma nito sa Hiroshima Dragonflies.
Sasagupain ng Gilas Pilipinas ang Lebanon sa Pebrero 24 at sa Pebrero 27, makahaharap nito ang Jordan sa Philippine Arena sa Bulacan.