Inilabas na ng VIVA Films at VinCentiments ang opisyal na trailer ng "Martyr or Murderer," ang karugtong ng pelikulang "Maid in Malacañang" na ipalalabas na sa Marso 1.

Humakot kaagad ito ng mahigit 1 milyong views and counting habang isinusulat ang balitang ito, kaya naman nagpasalamat na kaagad si Senadora Imee Marcos sa mga nanood ng pinag-usapang trailer.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, mas pinag-usapan ng mga netizen ang bandang dulo ng trailer kung saan tila nagpatikim na sa pangatlong pelikulang karugtong naman ng MoM, ang "Mabuhay Aloha Mabuhay" o MaM na sinasabing ang setting ay buhay nila sa Hawaii hanggang sa muling makabalik sa Pilipinas, sa era na ni Pangulong Bongbong Marcos mula nang pasukin nito ang politika, maging senador, tumakbo sa pagkapangalawang pangulo, hanggang sa manalong pangulo sa kontrobersiyal na 2022 elections.

Makikita ang aktres na si Eula Valdez na gaganap bilang si Sen. Imee. Windang ang mga netizen, lalo na ang mga Kakampink, sa binitiwan ng kausap ni Eula sa eksena, na mahihinuhang si PBBM.

"Bonget?" tanong ni Eula sa tumawag sa kaniyang cellphone.

"Imee, tingin ko… dinaya ako ni Leni," ayon sa pahayag ng kaniyang kausap. Dito nagtapos ang trailer.

Umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Disgusting lalo na yung huling part…"

"I can't believe that the actress I admired after her Urian-worthy performance in 'Dagitab' is the same person I'll despise today after being part of a well-oiled propaganda machine that perpetuates historical revisionism. Miss Eula Valdez, what happened?"

"Anyare kay Amor Powers?"

"So… Eula Valdez, who openly supported Leni Robredo last year, is part of Martyr or Murderer as the present-day Imee Marcos. This is interesting…"

"Wag daw pag-initan si Eula Valdez kasi actor lang naman daw siya doing her job. No, for sure alam niyang propaganda yung movie and inaccept pa din niya. Historical revisionism. She's def a complicit. RIP na lang."

"Naghihirap na ba si Eula Valdez para tanggapin ang project na 'to?"

Sa kabilang banda, may mga netizen na rin ang excited nang mapanood ang pelikula.

"Omg nakakakilabot naman ang trailer yayanig na naman ang universe."

"Sana March 1 na!!!"

"Dami na naman sakit ang puso niyan at tataas ang dugo sa kabilang parlor. Ngayon pa lang congrats na direk at sa buong cast another blockbuster na naman."

"Hindi ko kinaya Direk Darryl Yap…"

"Congrats VIVA Films. Another blockbuster movie of Direct Darryl Yap. Wala po sanang alising eksena… dapat lang po mapanood ng mga Pilipino."

"Can't wait!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Eula Valdez hinggil dito.