Iniulat ng Department of Health (DOH) ang bagong 174 kaso ng Covid-19 sa buong bansa nitong Sabado, Peb. 11.

Ang mga karagdagang kaso ay nagdala ng bilang ng mga aktibong impeksyon sa buong bansa sa 9,282, tulad ng ipinapakita sa DOH Covid-19 tracker.

Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyon na may pinakamataas na naitalang kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 553.

Sumunod ang Calabarzon na may 237 kaso, Davao Region na may 156, Western Visayas na may 112, at Central Luzon na may 96.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ang pinagsama-samang bilang ng mga kumpirmadong impeksyon sa bansa mula noong 2020 ay 4,074,563 na. Kasama sa bilang na ito ang 3,999,343 recoveries at 65,938 ang nasawi.

Samantala, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na isagawa ang minimum public health standards, lalo na sa nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa Pebrero 14 at pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo sa Pebrero 22.

“Under any occasion—we should continue to be aware of our individual risk through assessment of our surroundings and settings,” anang DOH.

“Hence, individuals should know when to use our layers of protection and when we should wear a mask,” dagdag nito.

Mahalaga rin ang pagbabakuna upang mapanatili ang mababang bilang ng mga bagong kaso, pagpupunto pa rin ng ahensya.

“Today, we have kept cases manageable and low thanks to these practices. Let’s continue protecting ourselves by assessing our risk and to get vaccinated/boosted,” dagdag nito.

Analou de Vera