Sa nalalapit na araw ng mga puso, kakaibang panregalo ang ibinebenta ng chef na si Apolinario Navarro, 53, mula sa Bantayan Island, Cebu.
Ang kaniyang tindang bouquet? Gawa sa bulad o dried fish.
Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Navarro na bukod sa nagtatrabaho siya bilang chef sa isang hotel, suma-sideline din siya sa pagtitinda ng bulad na siyang sagana sa kanilang lugar, kaya naisip daw niyang gumawa ng bulad bouquet para rin makamura ang mga nais bumili nito.
“Nakita ko sa mga online selling nagbebenta bulaklak na bouquet ang mahal naman 1,900/1,800/2,000 pesos,” ani Navarro.
“Praktikal na ngayon. Instead na bulaklak, ginawa ko ang bulad na bouquet [para] after Valentines, pwede pa maulam.”
Sa halagang 800 hanggang 900, naka-coating na raw ang kaniyang bulad bouquet na naglalaman na raw ng mga danggit, nukos, tarorot, bolinao boneless at tapa.
Sa bulad bouquet daw ni Navarro, may pang-bulaklak ka na, may pang-ulam ka pa.
–
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!