Patuloy pa ring aawit para sa kanilang mga tagahanga sina Jim Paredes at Buboy Garrovillo kahit wala na ang kanilang ka-trio na si Danny Javier matapos nitong pumanaw noong 2022.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, pabirong nag-isip ang dalawa kung ano na ba ang bago nilang itatawag sa kanilang "duo."

Biro ng dalawa, puwede na sila aniyang tawaging "APO minus one" o "Dalawa Na Lang Po Sila."

Pero seriously speaking, talagang nalulungkot sila kapag naaalala nila ang kasamahan nilang si Danny. Siyempre, hindi buo ang "APO Hiking Society" kung wala ang isa.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

“Danny’s voice is one of a kind, walang kaparis. He always sang the lead in most of Apo’s tunes. But Jim and I were thankful that we’re still healthy enough and project our voices. So nakuha naman. Tunog Apo pa rin," saad ni Buboy sa panayam.

Noong Disyembre, unang nag-perform bilang duo sina Jim at Buboy sa isang live concert sa 19 East kung saan higit sa 250 ang dumalo upang manood sa kanila, bagay na ikinagulat at ikinatuwa na rin ng dalawa.

Hindi raw kasi nila inasahan na may nakakakilala pa raw sa kanila. Isa raw sa mga dumalo sa naturang mini concert sa isang small room ay 17-anyos na dalagita.

Lagi raw kasi nitong naririnig ang mga kanta ng APO na ipinatutugtog ng kaniyang mga magulang, kaya alam nito ang mga pinasikat nilang awitin.

Dahil diyan isa sila sa mga aasahang singers sa Valentine’s concert na "All Heart" na gaganapin sa Pebrero 14 at 15 sa Philippine International Convention Center (PICC).