Nasagip ang anim na taong-gulang na bata sa mga gumuhong gusali sa Syria nitong Sabado, Pebrero 11, limang araw matapos yanigin ang bansa at kalapit na Turkey ng magnitude 7.8 na lindol noong Pebrero 6.

Sa ulat ng Agence France Presse, na-rescue ng volunteers ang batang si Musa Hmeidi mula sa ilalim ng gumuhong gusali.

“Musa was rescued from under the rubble on the fifth day after the earthquake,” saad ni Abu Bakr Mohammed, isa sa mga volunteer na nag-rescue sa bata.

Nakapagtamo umano si Musa ng minor injuries at pasa sa mukha.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Habang natagpuan patay na raw ang kaniyang kapatid, hindi pa makita ang kaniyang mga magulang o iba pang pamilya sa ilalim ng nasabing gumuhong gusali.

Ang magnitude 7.8 na lindol ay isa sa pinakamalakas umanong naranasan sa sa Syria at Turkey. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 24,000 ang mga nasawi sa dalawang bansa.