Kinagulat ng isang pari sa Turkey ang hindi pagkasira ng rebulto ni Birheng Maria na nakatayo sa loob ng gumuhong Annunciation Cathedral sa Alexandretta, Turkey nitong Martes, Pebrero 7, matapos yanigin ang kanilang bansa at Syria nitong Lunes, Pebrero 6.

Sa Facebook post ni Turkish Jesuit priest Father Antuan Ilgit, ibinahagi niya na ang nasabing cathedral ay pinagmisahan pa nila nitong Linggo, isang araw bago mangyari ang napakalakas na lindol.

Nakuha rin daw ng pari mula sa napinsalang cathedral ang imahen ni Madonna.

“This image will be our strength and with her we will face everything,” ani Father Ilgit. “We continue to trust in God and in his holy providence. It’s raining, it’s cold, and the tremors are very strong. We feel your closeness and count on it. We also hold beloved Syria in our hearts. May the Lord keep us in his love and be gracious to us!”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Umabot na sa mahigit 21,000 ang mga nasawi sa Turkey at Syria ngayong araw dahil sa nasabing magnitude 7.8 na lindol.