Nanawagan si Pope Francis sa bawat bansa na magkaisang tulungan ang Turkey at Syria matapos yanigin ang mga ito ng magnitude 7.8 na lindol nitong Lunes, Pebrero 6.

Sa Twitter post ni Pope Francis nitong Huwebes, Pebrero 9, hinikayat niya ang mga bansa na isantabi muna ang kanilang pagkakaiba-iba sa gitna ng kalagayan ng Turkey at Syria.

“Now is the time for compassion and for solidarity. We must put aside hatred, wars, and divisions that lead to self-destruction,” pahayag ng pope.

“Let us unite in our sorrow to help those who suffer in #Turkey and #Syria. May we build peace and fraternity in our world,” dagdag niya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Kamakailan ay nangako na ang global institutions tulad ng World Bank na magkakaloob sila ng $1.78 bilyon sa Turkey para sa relief at recovery assistance.

Maraming mga bansa na rin ang nag-deploy ng rescue teams para tumulong sa paghahanap at pag-rescue ng mga nakaligtas sa Turkey. Kanina lamang ay dumating na doon ang response team ng Pilipinas para sa kanilang rescue mission.

Basahin: PH response team, nagsimula na ng rescue mission sa Turkey

Sa tala ng mga awtoridad ngayong araw, umabot na sa mahigit 21,000 ang mga nasawi sa Turkey at Syria dahil sa nasabing magnitude 7.8 na lindol. Dalawa umano sa mga nasawi sa Turkey ay mga Pinoy.

Basahin: Dalawang Pinoy sa Turkey, naitalang nasawi dahil sa magnitude 7.8 na lindol