Hanggang nitong umaga ng Biyernes, Pebrero 10, trending topic sa Twitter si “Maria Clara” Julie Anne San Jose kasunod ng makapigil-hiningang pagsagip sa kaniya ni “Klay,” karakter ni Barbie Forteza sa mapang-abusong si “Padre Salvi” na ginagampanan naman ni Juancho Trivino sa hit fantasy-period drama na “Maria Clara at Ibarra.”
Matapos ang halu-halong emosyon sa ika-94 episode ng inaabangang historical drama, gabi ng Huwebes, Pebrero 10, tanging papuri lang ang inani mula sa netizens ang mahusay na pagganap ng cast, at ng kabuuang ensemble ng palabas.
Landing sa Twitter ang mga topic na #MCISalvoNiSalvi, Klay, Padre Salvi, at ang nag-iisang si Julie Anne San Jose.
Inabangan ng maraming tagasubaybay ang muling pagkikita ng karakter nina Maria Clara at Klay na siya namang naging hudyat ng pagtatapos ng paghihirap ng dalaga sa kamay ng mapang-abusong si Padre Salvi.
Nagpaiyak din ang maraming netizens kasunod ng muling pagtatagpo sa wakas nina Maria Clara at kaniyang sintang si “Crisostomo Ibarra” na sa ngalang “Simoun” na nagtago para sa kaniyang paghihigante sa mga Kastila, at prayle.
Abot-abot na papuri ang inani ng cast lalo na si Julie Anne na litaw na litaw anang netizens ang pang-“best actress” na aktingan.
Maging sa YouTube ng GMA Network, tanging papuri rin ang sambit ng fans sa naging acting performance ni Julie Anne para sa karakter ni Maria Clara.
“JA's acting was so phenomenal. She deserves an effin Best Actress Award for this show. It's not OA and not cringey at all. ” komento ng isang fan.
“Lagi nalng nalalampasan ni Julie ung past na mga best scenes nya grabe NAPAKAHUSAY ” segunda ng isa pa.
“Ang galing nila, lalo na ni Julie Ann! Tumindig balahibo ko sa mga eksena, bravo!!!!”
“Galing galing mo Julie Anne San Jose !”
Ang hit historical fantasy series ay nauna nang hinangaan sa kanilang kakaibang konsepto sa pagpapamulat sa kasalukuyang henerasyon samga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal.
Anang GMA Network, nilayon talaga ng kaniyang materyal magturo sa lente ni Klay sa mga manunuod kaugnay ng “kahalagahan ng kasaysayan, pag-unawa sa kapwa, pagmamahal sa bayan at higit sa lahat, ang kapangyarihan ng pag-ibig.”