Suspendido pa rin ang pagpapatupad ng no-contact apprehension program (NCAP) sa National Capital Region (NCR).

Ito ang paglilinaw niMetropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes nitong Biyernes bilang tugon sa kumakalat na pekeng impormasyon sa social media.

"Patuloy pong suspendido ang NCAP dahil may pending pong temporary restraining orderangSupreme Court laban dito, so hindi po naming pwedeng i-implement 'yan.

Aniya, paulit-ulit na lamang ang naturang impormasyon na lumabas na ilang buwan na ang nakalilipas.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Hindi aniya dapat paniwalaan ang nasabing impormasyon na nagdadala lamang ng kalituhan sa publiko.

Noong Agosto 30, 2022, naglabas ng ruling ang Supreme Court na nagpapatigil sa implementasyon ng programa kasunod na rin ng mga reklamo ng mga transportgroup.