Marami ang humanga sa post ni Jereka Ellen Decano, 24, mula sa San Quintin, Pangasinan, tampok ang kaniyang artwork na gawa umano sa maliit na papel na pinagbutasan ng puncher.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Decano na ang ‘hole punch art’ ay kinahiligan niya noong nakaraang taon.

“Madalas ‘yung mga nabubutas mula sa puncher, naitatapon lang. Kaya sinubukan ko gumagawa ng art na pwedeng gamitin ‘yung bilog bilog sa pag-design and eventually sa paggawa din ng portrait,” saad niya.

Ginawan daw niya ng portrait gamit ang nasabing estilo ng sining ang content creator na si Esnyr Ranollo dahil sa pagi-idolo niya rito.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Medyo stress po kasi ako sa pagre-review for my board exam at nung napanuod ko po ‘yung mga tiktok videos nya, natuwa ako at napasaya nya talaga ako,” ani Decano.

Sa paggawa ng nasabing artwork tatlo hanggang limang oras kada araw, madalas na natatapos daw ni Decano ang isang obra sa isang linggo.

Gayunpaman, bilang isang graduate ng Bachelor of Secondary Education major in Mathematics, hindi raw alintana ni Decano ang ginugugol na oras sa hole punch art lalo na’t nagsisilbi niya itong pahinga sa pagre-review sa nalalapit na board exam sa Marso.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!