Nagpasindak sa mga residente ng isang barangay sa Talisay City, southern Cebu noong Miyerkules, Pebrero 9 ang umano'y isang “mananggal.”

Kumalat na parang apoy ang tsismis dahilan para tignan na ng pulisya ang kredibilidad nito at maalis ang pangamba sa mga tao. Dito sunod na nadiskubre na walang ebidensya kaugnay ng nasabing nilalang sa Sitio Mangga, Barangay Dumlog.

Ayon sa usap-usapan, sinabi ni Lt. Col. Randy Caballes, hepe ng Talisay police, na nakita umano ang nilalang na nakatago sa bubong ng isang bahay at dalawang bata itinurong eyewitness.

“As these claims have caused havoc around the neighborhood, raising concerns and panic, the Talisay police deployed investigators in the area to verify,”  sabi ni Caballes.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ni Caballes na walang nakitang ebidensya ang mga imbestigador na magpapatunay sa pagkakaroon ng manananggal.

Idinagdag niya na maging ang may-ari ng bahay kung saan nakitaan umano ang nilalang ay itinanggi na nakita niya ang nakita ng mga umano'y saksi. Hindi man lang narinig o napansin ng parehing may-ari ang mga kakaibang ingay sa oras na sinasabing nakita ang manananggal.

Hiniling ni Caballes sa mga residente na iwasang magpakalat ng mga hindi na-verify na kuwento para maiwasan ang kaguluhan.

“We humbly ask the cooperation of our residents to remain calm. We also ask the public to refrain from spreading unverified reports as this could cause more alarm than peace,” ani Caballes.

Ang manananggal ay isang bantog na gawa-gawang nilalang na sinasabing humiwalay sa ibabang bahagi ng katawan at may mga pangil at pakpak, na nagbibigay sa kanya ng anyo na parang bampira.

Calvin Cordova