Paiigtingin pa ngDepartment of Trade and Industry (DTI) ang kampanya nito laban sa pagbebenta ng vape at e-cigarette products alinsunod na rin sa Republic Act 11900 (Vape Law).
Ito ang tiniyak ni DTI Assistant SecretaryAnn Claire Cabochan sa kanyang pagdalo sa isinagawang public hearingng Senate Committee on Sustainable Development Goals, Innovation andFuturesThinking.
Inilahad ni Cabochan na natuklasan nilang patuloy pa rin sa pag-aalok ng vape products sa mga pasilidad sa Metro Manila kahit saklaw ito ng ipinaiiral na100-meter radius mula sa tinatambayan ng mga kabataan.
"I think there have been 23 firms. So, a total of 16 show cause orders were already issued by the Fair Trade Enforcement Bureau," paliwanag ni Cabochan nang tanungin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva.
Paliwanag nito, pinadalhan na nila ng official notice ang mgaregional at provincial office ng online selling platforms kung saan sila inoobliga na sumunod sa Vape Law.
Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya si Villanueva kaugnay sa talamak na bentahan ng vape flavors with descriptors na nakakaengganyo sa mga kabataan dahil paglabag umano ito sa Republic Act 11900.
Philippine News Agency