Binuwag ng mga awtoridad ang isang drug den sa Nueva Ecija at nasamsam ang nasa P190,400 halaga ng pinaghihinalaang shabu sa Purok Bagong-Silang, Brgy. Daan Sarile, Cabanatuan City.
Ayon kay Col. Richard Caballero, Provincial director ng Nueva Ecija Provincial Police, nagsagawa ng anti-drug operation ang Cabanatuan police na nagresulta sa pagkabuwag ng drug den at pagkakaaresto ng limang drug suspect.
Kinilala ang mga suspek na may alyas Owie, Tinoy, Muning, Angel, at Nene na lahat ay taga-Nueva Ecija.
Nasamsam sa kanila ang 28 gramo ng shabu na may halagang P190,400.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Sec. 5, Sec. 6, Sec. 7, Sec. 11, and Sec. 12 of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).