Tila point of view bilang girlfriend ang peg ng mga larawang ibinahagi ni Kapamilya breakout star Belle Mariano ngayong kaarawan ng kaniyang "special" onscreen partner na si Donny Pangilinan.

Ito nga ang masisilayan sa Instagram post ni Belle, ngayong Biyernes Pebrero 10, ika-25 kaarawan ni Donny.

“Celebrating you today, happy birthday nato, :)))” mababasa sa maiksing mensahe ni Belle kalakip ang apat na serye ng mga larawan ni Donny.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Instant kilig ang hatid sa fans at mga kaibigan ang pagbati ng aktres.

Kabilang na sa mga napa-react sina Kapamilya star Dimples Romana na nag-iwan ng inlove emojis sa naturang post.

“YSUUUUUS 🥰 nakunakunakunakuuuu!” pilyang sey din ni Vivoree.

“ABAAA,” reaksyon naman ni Gello Marquez.

“Sana oll 😍😍😍,” hirit din ni JC Alcantara.

Ilang fans din ang hindi napigilang kiligin muli sa tila reel to reel nang ugnayan ng dalawang young stars.

“SOLO POST ANG ATAKE SANAOL!” sey ng isang fan.

“KINIKILIG NANAMAN AKO POTEK!” segunda ng isa pa.

“Ooooyyy kailangan kong kumalmaaaa! 😭🖤❤️”

“ENANGYAN GRABE NAMAN ANG LAUNCHING! 😭”

“Hayyyy ambottt kakilig! ❤️❤️❤️❤️”

“😭🔫 *naghyperventilate!”

“Ka kilig uyyy juskooo!😍😍😍”

Nakilala bilang “DonBelle,” ang onscreen couple ang sumikat matapos bumida sa seryeng “He’s Into Her” ng Star Cinema.

Bagaman hindi pa tuwirang kinumpirma nina Belle at Donny ang anang fans ay romantic score sa relasyon nila, aminado at prangka naman ang rumored showbiz couple sa ilang mga panayam na “espesyal” ang namamagitan sa kanila.

Instagram official na nga ba ang DonBelle? Ano sa tingin ninyo?